December 12, 2025

Home BALITA

Flood control projects, walang sinusunod na 'masterplan'—DPWH Sec. Dizon

Flood control projects, walang sinusunod na 'masterplan'—DPWH Sec. Dizon
via MANILA BULLETIN

Tahasang kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na walang sinusunod na masterplan ang konstruksyon ng flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Biyernes, Setyembre 18, 2025, natanong ni Sen. Risa Hontiveros kay Sec. Dizon kung may masterplan daw na sinusunod ang mga flood control projects.

“May sinusunod ba ang DPWH na masterplan sa paggawa ng bawat flood control projects sa bansa?” tanong ni Hontiveros.

Tahasan namang sumagot si Dizon at iginiit na wala raw masterplan ang naturang proyekto at iginiit na “zero coordination” umanon ang nangyayari sa konstruksyon ng bawat flood control projects sa iba’t ibang lugar.

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

“Wala po. We are seeing a very very similar pattern in every area that we visit, in every report that we get there is little to zero coordination with the local government province, much less with the regional development councils,” ani Dizon.

Matatandaang unang pumutok ang isyu ng nasabing proyekto matapos punahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang mga umano’y nangurap sa flood control project na lalong nagpalala ng baha sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'