December 15, 2025

Home BALITA

DSWD, flinex hanging footbridge project ng KALAHI-CIDSS

DSWD, flinex hanging footbridge project ng KALAHI-CIDSS
Photo courtesy: DSWD (FB)

Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang hanging footbridge na umano’y nagpapaginhawa sa buhay ng mga residente sa isang barangay sa Janiuay, Iloilo.

Ibinahagi ng DSWD sa kanilang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 18, na daan-daang residente ng Brgy. Kuyot, Janiuay, Iloilo ang nakikinabang sa isang hanging footbridge, na proyekto ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).

“Daan-daang estudyante at residente ng Brgy. Kuyot, Janiuay, Iloilo ang nakikinabang sa hanging footbridge na hindi lamang nagbibigay ng mas madaling access sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan, kundi nagsisilbi ring daan sa katuparan ng kanilang mga pangarap tungo sa mas maayos na kinabukasan,” ani DSWD.

“Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa ilalim ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS),” dagdag pa nila.

Binisita rin ng kalihim ng DSWD na si Sec. Rex Gatchalian ang nasabing footbridge, upang masiguro na ito ay ligtas at talagang kapaki-pakinabang sa residente. Kasabay nito ay ang pag-inspeksyon din niya sa isa pang tulay sa karatig-barangay ng parehong bayan.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak



Inilahad din nila na ang proyektong ito ay nasa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Ang mga proyektong ito ng KALAHI-CIDSS ay nagtitiyak na ang mga itinayong imprastraktura ay lubos na nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr,” anang kagawaran.

Kasamang bumisita ni Sec. Rex Gatchalian ang iba pang kawani ng DSWD na sina Asst. Secretary Irene Dumlao, KALAHI-CIDSS National Program Manager Director Bernadette Mapue-Joaquin, at OIC-Regional Director Joselito Estember ng DSWD Field Office 6–Western Visayas.

Vincent Gutierrez/BALITA