Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Oriental nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 18, ayon sa PHIVOLCS.
Sa datos ng ahensya, naganap ang lindol kaninang 8:43 PM sa Baganga, Davao Oriental, na may lalim ng 16 kilometro.
Dagdag pa ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.