December 18, 2025

Home BALITA

Curlee Discaya, Henry Alcantara, idedetine sa kustodiya ng Senado

Curlee Discaya, Henry Alcantara, idedetine sa kustodiya ng Senado

Nakatakdang maidetine sa kustodiya ng Senado sina dating Bulacan district engineer Henry Alcantara at kontraktor na si Curlee Discaya.

Nitong Huwebes, Setyembre 18, 2025, nang ipa-contempt sina Alcantara at Discaya matapos umano silang hindi magsabi ng totoo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control projects.

Pinatawan ng Senado ng contempt order si Discaya matapos ang hindi niya tugmang pagdadahilan sa hindi pagsipot ng kaniyang misis sa nasabing flood control probe.

Iginiit ni Curlee na hindi raw nakadalo ang misis niyang si Sarah dahil umano sa karamdaman niyang sakit sa puso. 

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

Subalit nang basahin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lacson ang liham na mismong ipinadala ni Sarah sa Senado, sinabi niyang may company meeting raw siya na naunang na-schedule bago ang itinakdang araw sa pagdinig ng komite.

“I have an important meeting with my employees on the day of the hearing, to explain that company is facing now…This meeting was already scheduled before I received the committee’s investigation this afternoon…,” ani Sarah Discaya sa liham.

Bunsod nito, ilang senador na ang nagtulak na patawan ng contempt si Curlee bunsod umano ng kaniyang pagsisinunangling.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Health issue o may meeting?' Curlee Discaya, ipina-contempt dahil sa maling palusot para sa misis niya

Habang pinatawan din ng contempt si Alcantara matapos naman niyang igiit na wala umano siyang alam sa mga ghost projects sa Bulacan.

“Wala po akong alam sa ghost projects na ‘yan your honor,” ani Alcantara.

Bunsod nito, nagkasa ng mosyon si Sen. Raffy Tulfo na idetine sina Discaya at Alcantara sa Senado.

“Mr. Chair, given that Mr. Discaya has been cited in contempt and Mr. Alcantara, I moved that they be detained and handed over to the custody of the Senate Sergeant of Arms,” saad ni Tulfo.