December 12, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Claudine Barretto, nag-react sa hiwalayang Gerald at Julia

Claudine Barretto, nag-react sa hiwalayang Gerald at Julia
photo courtesy: Claudine Barretto/FB, Gerald Anderson/IG

Nag-react ang aktres na si Claudine Barretto sa hiwalayang Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nitong Huwebes, Setyembre 18, nang kumpirmahin mismo ng Star Magic na hiwalay na ang kanilang artists, batay sa kanilang opisyal na pahayag.

Mababasa sa opisyal na social media page ng talent arm management ng ABS-CBN ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Maki-Balita: Gerald Anderson at Julia Barretto, kumpirmadong hiwalay na!—Star Magic

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Bunsod nito, nag-react si Claudine sa hiwalayan ng dalawa.

"Mama is here Juls. [broken heart emoji]," anang aktres sa isang Facebook post nang ibahagi niya ang pahayag ng Viva Artist Agency. 

Hindi naman nabanggit na opisyal na pahayag ang dahilan ng hiwalayan.