Bagama't wala pang direktang epekto sa bansa, ngunit posibleng maging super typhoon ang tropical depression Nando sa oras na lumapit ito sa extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Setyembre 18.
As of 5:00 PM, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,260 kilometro Silangan ng Central Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis ng 15 kilometers per hour.
Samantala, inaasahang magiging typhoon category ang tropical depression Nando sa Sabado o Linggo, ibig sabihin, mas lalakas pa ito.
Hindi rin inaalis ng weather bureau ang tsansa na magiging super typhoon ito sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, sa oras na maging malakas na bagyo na ang TD Nando, hihilahin nito ang southwest monsoon o habagat, na siyang magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.