Naglabas ng malaking anunsyo ang GMA at ABS-CBN networks sa magiging collaboration nila sa thrilling series ng The Secrets of Hotel 88.
Photo courtesy: Star Magic (X)
Ayon sa mabilis na kumalat na video ng mamamahayag na si MJ Felipe nitong Huwebes, Setyembre 18, makikita ang mga ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na excited sa pag-anunsyo ng bagong series na pagbibidahan nilang magkakasama.
Makikita doon sina Mika Salamanca, Will Ashley, AZ Martinez, Dustin Yu, Josh Ford and Kapamilya housemates Brent Manalo, River Joseph, Ralph De Leon, Esnyr, Bianca De Vera, Xyriel Manabat at Kira Balinger.
“'Wag po nating kalilimutan kasama rin natin si Mowm,” saad ni Xyriel.
“Ang nararamdaman ko ngayon, puno lang ako ng kasiyahan at excitement. Kasi ang tagal namin pinag-usapan ito sa loob ng bahay,” anang Will.
“Sobrang saya po kasi siyempre, parang this is not our first time in a show. Ito po yung pinaka-minamamanifest namin before,” dagdag pa Esnyr.
Samantala, excited naman ang mga fans sa new projects ng ex-PBB housemates.
Narito ang ilang sey ng mga fans para sa kanilang mga sinusuportahang ex-PBB housemates:
“Hoy wag nyo gawing magkapatid azver, tandaan nyo naghubaran na sa araneta yan.”
“Wag nyo gawing siblings Ang Azver pleaseee.”
“Congrats esnyrrr.”
“From Bahay ni Kuya to Hotel ni Kuya.”
“The visual and chemistry slay they will bring.”
“The azralph renaissance is upon us AZRALPH REAL AND REEL.”
“excited na po kami for them. MIKBRENT PERFECT PAIR.”
“Manonood ,basta siguraduhin niyo lang na sila magkatuluyan hahahaha. AZVER BETTER ONSCREEN”
“DUSTBIA SCENE ST8ALERS.”
“By partner to mikbrent, dusbia, kish, azralph, xywill? tapos si esnyr at river nlang.”
Inaasahang opisyal na mapapanood ang series ng The Secret of Hotel 88 sa 2026.
Mc Vincent Mirabuna/Balita