Inihayag ni Sen. Bam Aquino ang kaniyang sentimyento ukol sa kung ano nga ba talaga ang kailangan ng bansa natin ngayon.
Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post noong Martes, Setyembre 16, na sa kasakuluyang estado ng Pilipinas, kailangan din umano nito ng “korap kontrol.”
“Sa estado ng Pilipinas ngayon, hindi lang flood control ang kailangan natin kundi korap control,” ani Sen. Bam.
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa taumbayan ang naturang post ni Sen. Bam.
“Dapat bawat DEPARTMENT i check if ang Budget ba ay nagagamit sa tama para sa bayan…”
“Correct po Senator,those on the higher position leaving a comfortable life while those on the station doing all the duties and responsibilities we're struggling to live. Praying and hoping that justice will prevail on our Nation.”
“Totoo po yan Sir Bam paano ang mga Pilipino aangat kng ang mga namumuno ay mga corrupt at paano mkakaahon ang Pilipinas sa kahirapan kng ganun ang mga taong nsa Posisyon nakakalungkot lng isipin na dapat sila ang mkakatulong pra masaayos ang bansa, pero sila pa mismo ang dahilan ng paglugmok ng bansang Pilipinas ...grabi kayo sa kapwa niyo Pilipino …”
“How to dismantle the system that treats government as family and personal business.”
“Tama po Sir. Corruption is rampant not only in DPWH Almost lahat. Ilan lng Ang mga matitino . Palagi nlang ganito Paulit ulit . Sana po my Makita kau n solution para man lng maiangat Ang kalagayan ng ating bansa Sir. Ilan nlang kau ng maaasahan namin. God bless po.”
Ito ay matapos ipahayag ni Sen. Bam ang kaniyang opinyon na ilaan sa sektor ng Edukasyon ang pondo ng bansa kaysa ilagay ito sa mga umano’y peke at kalokohan lamang.
“Pera ng bayan, ilaan sa silid-aralan, hindi sa pekeng proyekto at kalokohan,” aniya.
MAKI-BALITA: ‘Pera ng bayan, ilaan sa silid-aralan at 'wag sa pekeng proyekto at kalokohan’—Sen. Bam-Balita
Aniya pa sa hiwalay na post, naninindigan pa rin siya sa kabila ng mga hamong hinaharap ng bansa, na mapunta sa mga programang matutulong talaga ng pera ng taumbayan.
“Sa gitna ng lahat ng hamon ngayon, naninindigan tayo na ang pondo ng bayan ay dapat ilaan sa mga programang tunay na makakatulong —- lalo na sa edukasyon ng ating mga kabataan: dagdag na silid-aralan, suporta sa mga guro, at mas maayos na oportunidad para sa ating mga estudyante,” anang mambabatas.
“Kung may pondo mang ililipat, mas makakatulong kung ito’y diretso sa ating mga paaralan at kabataan. Hangad natin na ang 2026 budget ay maging budget na maipagmamalaki ng bawat Pilipino,” dagdag pa niya.
Vincent Gutierrez/BALITA