December 12, 2025

Home BALITA National

Sa ₱928.52B budget sa 2026: Angara tiniyak na bawat piso, direktang mapupunta sa guro at mag-aaral

Sa ₱928.52B budget sa 2026: Angara tiniyak na bawat piso, direktang mapupunta sa guro at mag-aaral
Photo courtesy: Department of Education (FB)

Mas pinaigting pa ng Department of Education (DepEd) ang laban para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino sa inilatag nitong ₱928.52 bilyong panukalang budget para sa 2026.

Tiniyak ng ahensya, sa pamamagitan ni DepEd Sec. Sonny Angara, na ang bawat piso mula sa pondo ay direktang mapakikinabangan ng mga guro at mag-aaral.

"Mas pinapalakas pa ng Kagawaran ng Edukasyon ang laban para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino. Sa ₱928.52 bilyong panukalang budget para sa 2026, tiniyak natin na bawat piso ay direktang mapupunta sa guro at mag-aaral," mababasa sa Facebook post ni Angara.

Batay sa inilabas na plano ng DepEd, kabilang sa mga prayoridad ang sumusunod:

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

•₱13.2B – halos 4,900 bagong silid-aralan sa 2026 (target 40,000 by 2028 sa tulong ng LGUs at pribadong sektor)

• ₱11.8B – School-Based Feeding Program para sa Kinder at mga batang kulang sa nutrisyon mula Grades 1–6

• ₱16B – laptops para sa mga guro at internet connectivity sa mga paaralan

• ₱6B – career progression na makakatulong sa promosyon ng 113,000 guro at school heads

Ayon sa DepEd, ang malawakang pondo ay tugma sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at alinsunod sa layunin ng administrasyong Bagong Pilipinas na masiguro ang dekalidad na edukasyon at mapabilis ang pagbibigay ng nararapat na benepisyo sa mga guro.

Binigyang-diin ng kagawaran na bawat hakbang at pondong ilalaan ay nakatuon upang maramdaman ng mga pamilya, guro, at kabataan ang tunay na pagbabago sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.