Opisyal nang nagbitiw si Leyte 1st District Rep. Martin Romuadez bilang House Speaker.
Sa ginanap na sesyon ng Kamara nitong Miyerkules, Setyembre 17, sinabi ni Romualdez na napagpasyahan niyang bumaba sa puwesto matapos ang malalim na pagninilay at panalangin.
"After deep reflection and prayer, I have made a decision. Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of the Representatives," saad ni Romualdez.
Dagdag pa niya, ginawa umano niya ito upang maipagpatuloy ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang imbestigasyon nang walang hadlang at alinlangan.
Sa kabila nito, patuloy umano siyang maglilingkod bilang kongresista.
Aniya, “Mga minamahal kong kababayan, I leave this chamber as I first entered it, a humble servant, ready to serve, wherever duty may call.”
Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co
Bagama’t pinabulaanan ni Romualdez ang mga paratang ni Discaya, patuloy pa ring lumakas ang panawagan na magbitiw siya sa puwesto.
Sa katunayan, pinag-usapan kamakailan ang bukas na liham ng mga retiradong pulis at militar na hinihikayat si Romualdez na bumaba sa kaniyang posisyon bilang House Speaker.
Maki-Balita: 'We want you out... NOW!' Retired AFP, PNP officers atbp. pinabababa sa puwesto si Romualdez