December 14, 2025

Home BALITA Politics

Rep. Khonghun sa pagbibitiw ni Romualdez bilang House Speaker: ‘Mahal niya ‘yong Congress’

Rep. Khonghun sa pagbibitiw ni Romualdez bilang House Speaker: ‘Mahal niya ‘yong Congress’
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng reaksiyon si House Deputy Speaker at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun kaugnay sa nakatakdang pagbibitiw ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.

Sa panayam ng media nitong Miyerkules, Setyembre 17, sinabi ni Khonghun na mahal umano ni Romualdez ang Kongreso kaya sinakripisyo nito ang posisyon.

“Matagal na rin namang nagko-contemplate si Speaker dahil nakikita rin niya na masyado nang tinataman ‘yong House, ‘yong insituttion,” saad ni Khonghun.

Dagdag pa niya, “At talagang mahal din niya ‘yong Congress, mahal din niya ‘yong administrasyon ni President BBM. Kaya ginawa niya ‘yong sakripisyo to step down.”

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Ayon kay Khonghun, mas magkakaroon na umano si Romualdez ng panahon na harapin at sagutin ang mga akusasyong ibinabato laban dito.

Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Bagama’t pinabulaanan ni Romualdez ang mga paratang ni Discaya, patuloy pa ring lumakas ang panawagan na magbitiw siya sa puwesto.

Sa katunayan, pinag-usapan kamakailan ang bukas na liham ng mga retiradong pulis at militar na hinihikayat si Romualdez na bumaba sa kaniyang posisyon bilang House Speaker.

Maki-Balita: 'We want you out... NOW!' Retired AFP, PNP officers atbp. pinabababa sa puwesto si Romualdez

Samantala, nakatakdang palitan si Romualdez ni Isabela 6th District Rep. Bodjie Dy bilang bagong House Speaker ayon na rin mismo sa rekomendasyon niya.

Maki-Balita: Martin Romualdez, rekomendado si Bojie Dy bilang House Speaker—Puno