December 13, 2025

Home BALITA Politics

'Palit lang ng mukha pero parehong bulok pa rin sistema!' Pulong, bumanat sa resignation ni Romualdez

'Palit lang ng mukha pero parehong bulok pa rin sistema!' Pulong, bumanat sa resignation ni Romualdez
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng pahayag si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay sa pagbibitiw ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.

Sa latest Facebook post ni Pulong nitong Miyerkules, Setyembre 17, sinabi niyang bulok pa rin umano ang sistema kahit magpalit pa man ng liderato sa Kamara.

“Ngayon, pinalitan si Martin Romualdez, tapos si Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy daw ang ipapalit. Sino ang pumili? Walang iba kundi si Sandro Marcos — partymate sa Partido Federal, anak mismo ng Pangulo. Ano ‘to? Isa na namang cover-up move! Palit lang ng mukha pero parehong bulok pa rin ang sistema,” saad ni Pulong.

Kaya naman kinuwestiyon niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na kung talagang seryoso itong labanan ang korupsiyon, bakit hindi agad maghain ng kaso sa mga tiwaling mambabatas.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

“Hindi matatapos ang corruption sa iyak iyak at bolahan lang…Patunayan nman natin hindi lang ito puro salita,” anang kongresista.

Bukod dito, hinamon din ni Pulong ang Depatment of Public Works and Highways (DPWH) na maglabas ng komprehensibong listahan ng mga proyekto sa bawat distrito para magkabukingan na umano.

Aniya, “Tama na ang panloloko. Tigilan na ang palabas. Kung gusto niyong respetuhin pa kayo ng tao, harap-harapan n’yong labanan ang korapsyon — walang sacred cows, walang cover-up, walay atik-atik.”

“Kung hindi niyo kayang linisin ang sarili ninyo, mas mabuti pa umuwi na lang tayong lahat,” pahabol pa ni Pulong.

Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Bagama’t pinabulaanan ni Romualdez ang mga paratang ni Discaya, patuloy pa ring lumakas ang panawagan na magbitiw siya sa puwesto.

Sa katunayan, pinag-usapan kamakailan ang bukas na liham ng mga retiradong pulis at militar na hinihikayat si Romualdez na bumaba sa kaniyang posisyon bilang House Speaker.

Maki-Balita: 'We want you out... NOW!' Retired AFP, PNP officers atbp. pinabababa sa puwesto si Romualdez