December 30, 2025

Home BALITA National

'Nauna ka pang matanggal sa pinapa-impeach mo!' banat ni Guanzon kay Romualdez

'Nauna ka pang matanggal sa pinapa-impeach mo!' banat ni Guanzon kay Romualdez
Photo courtesy: via Rowena Guanzon (FB)

Usap-usapan ang mga buwelta ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon laban kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez, matapos pumutok ang balitang nagbitiw na siya sa tungkulin bilang lider ng House of Representatives (HOR) at posibleng palitan ni Isabela 6th District Representative at Deputy Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Unang-una, ibinahagi ni Guanzon sa kaniyang Facebook post noong Martes ng gabi, Setyembre 16, ang isang ulat kung saan makikitang tila binubuhat at nililipat na ang mga gamit ni Romualdez, kabilang na ang name plate niya na may nakalagay na "House Speaker."

"Yes!" caption dito ni Guanzon.

KAUGNAY NA BALITA: Sa isyu ng pagbibitiw bilang House Speaker: Mga gamit ni Romualdez, naispatang binubuhat na

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Sunod, ibinahagi naman ni Guanzon ang isang viral photo ni Romualdez habang nakaupo sa isang silya at tila pinagpe-pray over ng mga kasamahan sa Kamara. Isa sa mga nagdasal para sa kaniya ay si Manila 6th District Rep. Benny Abante, na isa ring pastor. 

Banat ni Guanzon, "Ok lang yan beh ganun talaga! nauna ka pa matagal sa pinapa-impeach mo."

Photo courtesy: via Rowena Guanzon/FB

Tumutukoy ito sa tila naunsyaming impeachment case ni Vice President Sara Duterte na kasalukuyang naka-archive sa Senado.

Bukod dito, nag-react din siya sa naging pahayag ni House Deputy Speaker Jay Khonghun, na nagsakripisyo si Romualdez kaya siya nag-step down sa posisyon.

"Bakit parang kasalanan pa natin at dapat mahpasalamat [magpsalamat] na nagsakripisyo si tamba," aniya.

Samantala, wala pang pormal na anunsyo at seremonya ng panunumpa patungkol sa pagpapalit ng liderato sa Kamara.

KAUGNAY NA BALITA: Martin Romualdez, rekomendado si Bojie Dy bilang House Speaker—Puno