December 14, 2025

Home BALITA

Martin Romualdez, rekomendado si Bojie Dy bilang House Speaker—Puno

Martin Romualdez, rekomendado si Bojie Dy bilang House Speaker—Puno
Photo Courtesy: Bodjie Dy (FB), via MB

Iminungkahi umano ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez si Isabela 6th District Rep. Bojie Dy bilang bagong House Speaker ayon kay Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo Puno.

Sa panayam ng DZMM Teleradyo nitong Miyerkules, Setyembre 17, sinabi ni Puno na posible umanong si Dy ang hahalili kay Romualdez sa iiwan nitong posisyon sa Kamara.

“Maaari, maaaring siya [Dy] ang maging Speaker natin sa Kamara. [...] Mayro’n kaming mga party meetings this morning. Ipa-finalize ‘yong mga planong ganito,” saad ni Puno.

Dagdag pa ng kongresista, “Kahapon ipinatawag kami ng ating Speaker Martin Romualdez. Sinabihan niya kami na balak na niyang magbitiw sa kaniyang pwesto ngayong araw na ‘to. And the nirekomenda niya sa mga party leader na baka kung pwude, iboto namin si Deputy Speaker Bojie Dy.”

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Ayon kay Puno, masyado na umanong marami ang kontrobersiya kaya nagdesisyon si Romualdez na bumaba sa tungkulin.

“Gusto niyang ipagtanggol ang reputasyon ng ating Mababang Kapulungan,” ani Puno.

Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.

“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Discaya sa pagdinig sa Senado noong Setyembre 8.

Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Bagama’t pinabulaanan ni Romualdez ang mga paratang ni Discaya, patuloy pa ring lumakas ang panawagan na magbitiw siya sa puwesto.

Sa katunayan, pinag-usapan kamakailan ang bukas na liham ng mga retiradong pulis at militar na hinihikayat si Romualdez na bumaba sa kaniyang posisyon bilang House Speaker.

Maki-Balita: 'We want you out... NOW!' Retired AFP, PNP officers atbp. pinabababa sa puwesto si Romualdez