December 13, 2025

Home BALITA

‘I will not defend the guilty!’ Rep. Bojie Dy III, idineklara na bilang bagong House Speaker

‘I will not defend the guilty!’ Rep. Bojie Dy III, idineklara na bilang bagong House Speaker
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB

Pinalitan na ni Isabela 6th District Rep. Bojie Dy si Leyte 1st District Rep. Martin Romuadez bilang bagong House Speaker.

Sa ginanap na sesyon ng Kamara nitong Miyerkules, Setyembre 17, pinasalamatan ni Dy ang mga kapuwa niya kongresistang bumoto sa kaniya.

Aniya, “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga kasama kong mambabatas sa House of Representatives sa paghalal n’yo sa akin bilang Speaker. Hindi ko po ito inaasahan.” 

“Aminado po ako, mayro’n po akong pangamba habang iniisip ko ang hamon ng katungkulang iniaatang sa aking balikat,” dugtong pa ni Dy.

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Gayunman,  tinanggap pa rin niya ang hamon bilang House Speaker sa ngalan umano ng mga mamamayan ng Isabela.

“Under my leadership, this House will change. I will not defend the guilty and I will not shield the corrupt,” anang bagong House Speaker.

Nakakuha si Dy ng 253 kabuuang bilang ng boto mula sa mga kapuwa niya kongresista habang 28 naman ang nag-abstain at apat ang hindi bumoto. 

Basahin: KILALANIN: Ang bagong House Speaker na si Bojie Dy III