December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz

Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz
Photo courtesy: Daniel Padilla (IG), BALITA FILE PHOTO, Kaila Estrada (IG)

Inispluk ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang kompirmasyon umano ng mga tsika sa relasyon sa pagitan ng aktor na si Daniel Padilla at aktres na si Kaila Estrada. 

Sa videong inilabas ni Ogie sa kaniyang Youtube channel sa Ogie Diaz Showbiz Update nitong Martes, Setyembre 16, ibinahagi niya ang big revelation update patungkol sa buhay-relasyon ni Daniel at Kaila. 

Ayon kay Ogie, may nakapagsabi raw umano sa kaniya mula sa isa niyang mga source na mayroon nang bagong kasintahan si Daniel. 

“Ito na. May bago nang magjowa. May jowa na si Daniel Padilla. May nagsabi na sa akin. Depende na sa kanila kung aamin nila o ide-deny nila. Daniel Padilla and Kaila Estrada,” intriga ni ogie. 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pagpapatuloy niya, hindi rin umano niya akalain ang tsismis na nasagap ngunit depende pa rin daw kina Daniel at Kaila kung aaminin nila o itatanggi ang tsismis ng kanilang relasyon. 

“Akala ko nga rin no’ng una e. Syempre, sa atin, may nag-confirm lang. Pero importanteng marinig natin sa Daniel at si Kaila kung gaano ito katotoo,” anang Ogie. 

Aniya, mayroon umano siyang kaibigan na nakakita umano kina Daniel at Kaila na magkasamang manood sa isang power plant. 

“Mayroon akong friend na nakakita sa kanila na nakasabay sila sa power plant. Nanood si Kaila at saka si Daniel, di ba? Tapos bungisngis daw nang bungisngis ‘yong dalawa, although may iba pa silang kasama. Tapos ayan, spotted na naman sila. Magkasama na naman daw sila two nights ago,” tsika ni Ogie. 

Ayon pa kay Ogie, totoo umano ang impormasyong nakalap niya at wala naman daw masama kung totoo ang tsismis na kumakalat sa pagitan ng dalawa dahil parehas naman silang walang karelasyon. 

“Spotted sila, hindi ko lang alam kung saan ‘yan, ano? Ilan sa patotoo na sila ay nagkakamabutihan. At saka Diyos ko naman, wala naman silang sinagasaan o tinapakan. Parehas naman silang single,” saad ni Ogie. 

Paggigiit ni Ogie, hindi naman daw siguro iba-bash ng mga tao si Daniel kung totoo man ang relasyon nila ni Kaila dahil may bali-balita naman na umano sa dati nitong aktres na kasintahan na si Kathryn Bernardo. 

“Okay lang naman ‘yan. Hindi naman sila iba-bash. kasi kahit si Kathryn, di ba, mayroon na rin. Lagi naman silang nakikita ni Mayor Alcala ng Lucena. Although wala pa silang pag-amin,” paglilinaw ni Ogie. 

“Dito kay Kaila at DJ, isang source [ko] ang nagsabi na sila na. Ngayon bahala na sila kung gusto nilang i-deny ito or aminin at wala namang problema kung aaminin,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

KAUGNAY NA BALITA: Kathryn Bernardo, iniintrigang kasama si Mayor Mark Alcala sa Australia trip

Mc Vincent Mirabuna/Balita