Opisyal nang inihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ng Gabriela Women’s Party (GWP) sa Session Hall ng Palacio Del Gobernador nitong Miyerkules, Setyembre 17.
Sa latest Facebook post ng Gabriela Women’s Party nito ring Miyerkules, iginawad ng Comelec kay Rep. Sarah Elago, sa first nominee ng nasabing party-list, ang certificate of proclamation.
Kasamang dumalo ni Elago sa proklamasyon sina dating GWP Rep. Emmi de Jesus at ang legal counsel nilang si Atty. Lisa Clemente.
Matatandaang nauna nang kumpirmahin ng Comelec noong Linggo, Setyembre 14, ang pagkapanalo ng Gabriela para sa bakanteng 64th party-list seat sa nakalipas na 2025 National and Local Elections.
Ito ay matapos tuluyang ibasura ng komisyon ang registration ng Duterte Youth Party-list.
Maki-Balita: 'Duterte Youth Out, Gabriela In!' Comelec, nakatakdang iproklama Gabriela Women’s Party
Naantala ang proklamasyon ng Duterte Youth Party-list nang manalo ito sa eleksyon noong Mayo 12 dahil sa mga petisyong nakabinbin laban dito.
KAUGNAY NA BALITA: Duterte Youth, kanselado na bilang party-list