Tila iisa lang ang hiling ng mga netizen para sa birthday ni award-winning journalist na si Kara David para sa kaniyang 52nd birthday.
Sa Facebook reel, mapapanood na masaya munang nakipagkulitan si Kara sa mga taong kumakanta ng "Happy Birthday" sa kaniya.
Nang hingan na siya ng wish, "Wish... sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!" sabay hipan sa mga nakasinding kandila sa ibabaw ng kaniyang cake.
Maki-Balita: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David
Kaya naman ang mga netizen ay iisa lang hiling kundi matupad ang wish ni Kara.
"Wish ko na sana matupad ang wish mo Ms. Kara. Happy Birthday!!!"
"Dapat ganyan lahat wish ng mag birthday buong taon"
"Sana nga po matupad ang wish niu ms kara, happy birthday"
"Gustong gusto ko ung wish mo ms kara … sana maging wish granted yan"
"Tama;. Mam ang wish mo pabor po kmi Happy Birthday"
"Happy Birthday sana matupad nga po ung wish Ma'am Kara David love it "
"Sana po matupad ang wish nyo Ms. Kara."
"Nice wishes Ms Kara sayang tapos na bday ko I would have wished the same wishes like yours"
"mag dilang anghel ka ms. Kara David"
"Sana magkatotoo yung wish nyo. Sabay sabay tayong lahat sa pag hiling para mas malakas hahaha"
"Hoping and wishing that your birthday wish will come true at the soonest possible time. Kindly include the trairors, maniacs and evil trolls too."
"indi gandang wish yan kasi lahat naman tayu mamamatay, may mga bata at mga inosente pa nga na namamatay nauna pa sa atin, what if member ng kapamilya or relatives mo mamatay bukas and onwards...sana managot silang mga korap bago sila mamatay! mga pisti! hehe"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 6 million views ang nabanggit na video.