December 14, 2025

Home BALITA National

14 na lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1 dahil sa bagyong Mirasol

14 na lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1 dahil sa bagyong Mirasol
PAGASA

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa 14 na lugar sa Luzon dahil sa bagyong Mirasol, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules, Setyembre 17. 

Huling namataan ang bagyo bisinidad ng Kabugao, Apayao. Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. 

Ayon pa sa PAGASA, apektado ng malalakas na hangin dahil sa bagyo ang Northern at Central Luzon, habang Southwest Monsoon o habagat, na pinalalakas ng bagyo, ang nakakaapekto sa Southern Luzon at Western section ng Visayas at Mindanao. 

Samantala, nakataas sa signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Northern at Western portion ng Isabela
Northwestern portion ng Quirino
Northern portion ng Nueva Ecija
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Northern Portion ng Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Northern Portion ng La Union

Asahan ang malakas na pagbugso ng hangin sa mga naturang lugar. 

Inaasahang lalabas ang bagyong Mirasol bukas ng umaga, Huwebes, Setyembre 18. 

Bukod sa bagyong Mirasol, binabantayan din ng PAGASA ang isa pang tropical depression na nabuo kaninang umaga, malapit sa Philippine boundary sa layong 1,245 kilometers East of Southeastern Luzon. 

Taglay nito ang lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-west northwestward sa bilis na 25 kilometers.

Wala pa raw itong direktang epekto sa bansa. 

Sakaling pumasok ito sa PAR, tatawagin itong "Nando," ang ika-14 na bagyo ngayong 2025.