Tinanong ni Vice President Sara Duterte ang kaugnayan ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co sa kapuwa nito kongresistang si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Sa ginanap kasing pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Martes, Setyembre 16, tinanong ni Renee kung paano pinopondohan ang flight and accommodations ng staff at security ng Office of the Vice President sa tuwing lumilipad palabas ng bansa.
Pero sa halip na sagutin ang naturang tanong, inusisa ni VP Sara ang kaugnayan ni Renee kay Zaldy.
"Madam Chair, may I be allowed to ask a question? Magpinsan po ba si Cong. Co ngayon at saka si Zaldy Co? Gusto ko lang malaman. Are they relatives?” anang Bise Presidente.
Pero sabi ni Renee, “I have no familial relations po to Zaldy Co or any of their relatives po.”
Matatandaang kasalukuyang humaharap sa isyu ng korupsiyon si Zaldy kaugnay sa anomalya ng flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co
Si Zaldy ay dating chairman ng House Committee on Appropriations na kalaunan ay nagbitiw sa posisyon dahil sa kalagayan umano ng kaniyang kalusugan.
Maki-Balita: Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang chairman ng House Committee on Appropriations
Ayon sa huling balita mula kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, kasalukuyang nasa labas ng bansa si Zaldy para umano sa medical treatment nito.
Maki-Balita: ‘For medical treatment?’ Rep. Elizaldy Co,kumpirmadong nasa labas ng bansa—House Spox