December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Piolo 'pikon' sa korapsyon sa buwis: 'Ipambibili lang nila ng luxury goods, pambiyahe lang nila!'

Piolo 'pikon' sa korapsyon sa buwis: 'Ipambibili lang nila ng luxury goods, pambiyahe lang nila!'
Photo courtesy: via MB

Maging si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ay nagbigay na rin ng saloobin niya hinggil sa hindi matapos-tapos na pinag-uusapang isyu ng korapsyon sa buwis ng kaban ng bayan sa pamahalaan.

Sa panayam ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, natatawang nasabi ni Piolo na may tax pa nga raw siyang babayaran pero baka ipambili lang ng luxury goods o gamiting pang-travel sa ibang bansa. Nahingan kasi si Papa Pi ng opinyon tungkol sa dito, Pray ng aktor, sana nga raw may mapanagot sa mga nangyayaring katiwalian sa pamahalaan.

Wala namang binanggit na partikular na personalidad ang award-winning actor kung may espesipikong tao ba siyang pinasasaringan.

"Kaya nga napakasakit 'di ba? Meron akong back tax na kailangan kong bayaran, hindi ko mabayaran... ipambibili lang naman nila ng luxury goods, sabay gano'n, ipambibiyahe lang naman nila. Hindi… joke lang," aniya.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

"Tax refund ba, tax refund?" sundot pang tanong ni Marfori.

"Wala nga tayong tax refund, pero wala, you have to abide especially that you’re in the business. Puwede kang pagdiskitahan, puwede kang i-audit kaya nga kami talaga, eversince, especially sa showbiz black and white, kasi nakaharap ka eh, taxpayer ka pa, no matter what happens, hindi ko na ang iniisip kasi 'pag inisip mo pa kung saan napupunta 'yong binabayad mong tax… I'm trying to not think about it para hindi ako mapikon, kasi nakakapikon at the end of the day," saad ng aktor.

Nabanggit na nga rin ni Papa Pi ang tungkol sa isyu ng maanomalyang flood control projects, na sana raw ay makonsensya naman ang mga gumagawa ng korapsyon sa likod nito.