December 13, 2025

Home BALITA

PBBM, 'di hahadlangan direktiba na mag-commute mga opisyal ng DOTr

PBBM, 'di hahadlangan direktiba na mag-commute mga opisyal ng DOTr
Photo Courtesy: via MB, DOTr (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang Malacañang kaugnay sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na mag-commute ang mga opisyal nito isang beses sa isang linggo.

Sa isinagawang press briefing nitong Martes, Setyembre 16, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi umano hahadlangan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga patakarang gaya ng ipinatupad ng DOTr.

Ayon sa kaniya, “Kung anoman po ang magiging polisiya ng anomang departamento, kung ito naman po ay resonable at hindi po nalalabag ang karapatang-pantao, hindi po ‘yan hahadlangan ng Pangulo.”

“At maganda naman po ang magiging adhikain nito para kung sinoman po ang mga public official natin ay talagang maranasan kung ano ang nararanasan ng mga pangkaraniwang mananakay,” dugtong pa ni Castro.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Sa ibinabang memorandum ni Acting Transportation Sec. Giovanni Lopez noong Lunes, Setyembre 15, inuutusang gumamit ng pampublikong transportasyon ang mga opisyal ng road and rail sectors isang beses kada linggo para maranasan at makita ng mga ito ang pangangailangan ng commuters.

Maki-Balita: DOTr officials, obligado nang mag-commute isang beses sa isang linggo

Sa katunayan, maging si Lopez ay sinubukang sumakay ng bus at MRT-3 sa kasagsagan ng Monday Rush Hour mula sa Ever Gotesco sa Commonwealth.

KAUGNAY NA BALITA: DOTr Acting Sec. Giovanni Lopez, sinubukan maging pasahero sa kasagsagan ng 'Monday Rush Hour'