December 14, 2025

Home BALITA National

PAGCOR, gagamit ng AI tools para i-block illegal gambling sites sa bansa

PAGCOR, gagamit ng AI tools para i-block illegal gambling sites sa bansa
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na gagamit umano sila ng Artificial intelligence o AI tools para mabilis na matukoy at maharang mga illegal gambling websites na nag-o-operate pa rin ngayon sa bansa. 

Kinumpirma ito ng Assistant Vice President ng PAGCOR na si Atty. Jessa Mariz Fernandez sa pagdinig ng Committee on Games and Amusement ng Senado nitong Martes, Setyembre 16, 2025. 

Kung saan, kinuwestyon ng Chairperson ng Committee on Games and Amusement na si Sen. Erwin Tulfo kung ano ang mga hakbang na planong gawin ng PAGCOR para pigilan ang mga operators sa mga illegal online gambling websites. 

“Are you also working, PAGCOR, doon po sa mga gambling operators na illegally not registered with you? Where are we on this?” pagtatanong ni Tulfo. 

National

'Hoy DTI, gising kayo!' Sen. Imee, naghain ng makatotohanang Noche Buena

Sagot naman ni Fernandez, “Mr. Chair, mayro’n na po kami ngayong ilo-launch na isang AI tool. Kung saan per second po, nakaka-detect po ito ng mga illegal gambling websites.” 

Pagpapatuloy ni Fernandez, nakikipag-ugayan na umano sila sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), National Telecommunications Commission (NTC), at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagsasagawa ng nasabi nilang plano.  

“Nakikipag-ugnayan din po kami sa CICC, NTC, and DICT para naman po mabilis din po ang pagba-block dito sa mga websites po na ito,” anang Fernandez. 

Pagkukumpara ni Fernandez, malaki ang maitutulong ng paggamit nila ng AI tools para mas mabilis na ma-monitor ang mga websites na illegal pa rin umanong nag-o-operate ngayon hindi katulad dating nagbabantay lang sila umano sa mga licencies at reports ng mga players sa kanilang tanggapan. 

“Kasi po dati, manually po natin or through reports po ng licenses, concerned players or concerned citizens po namin nakikita, or through our illegal monitoring team namo-monitor itong mga illegal websites. 

“Ngayon po, sa tulong din po ng AI powered tool, namo-monitor po namin ang mga illegal gambling websites. Through the help of CICC, NTC, and DICT, magkakaroon po kami ng agreements para ma-block itong mga websites po na ito,” pagtatapos ni Fernandez. 

Pinangunahan nina Sen. Tulfo, Sen. Rodante Marcoleta, at Sen. Risa Hontiveros ang nasabing pagdinig ng Senado. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita