December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, kinuwestiyon si Sen. Marcoleta matapos igiit pagiging state witness ng mga Discaya

Ogie Diaz, kinuwestiyon si Sen. Marcoleta matapos igiit pagiging state witness ng mga Discaya
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Rodante Marcoleta (FB)

Naghayag ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa Witness Protection Program na iginigiit na igawad ni Senador Rodante Marcoleta kina Curlee at Sarah Discaya.

Sa ginanap kasing press conference noong Lunes, Setyembre 15, sinabi ni Marcoleta na hindi raw niya hahayaang dumating ang punto na malagay sa peligro ang buhay ng mag-asawang contractor.

“Sila ay nagkusa na gumawa ng salaysay. At kung malalagay ang kanilang buhay sa alanganin, sa peligro, sa kamatayan, hindi ko hihintayin na dumating ‘yon. Gagawin ko ‘yong katungkulan ko sa ilalim ng batas,” anang senador.

Ngunit sa latest Facebook post ni Ogie nitong Martes, Setyembre 16, kinuwestiyon niya ang nasabing pahayag ng senador.

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

Aniya, “Kulang nga po yung salaysay. At sila yung most guilty, bakit sila kailangang proteksyunan ng gobyerno? Hindi pa sapat yung salaysay nila.”

“Saka senador po kayo ng taumbayan, hindi ng dalawang tao lang.  Wag po tayong magsiga-sigaan, your honor. Tuparin po natin ang mandato natin sa bayan na sila ang paglilingkuran nyo, hindi ang isang pamilya lang,” dugtong pa ni Ogie.

Matatandaang kabilang ang dalawang kompanya ng mag-asawa sa listahan ng top 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects ng gobyerno ayon mismo sa inilabas na datos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Basahin: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?