December 18, 2025

Home BALITA National

Mahigit 57K jeepney at tricycle drivers, makikinabang ₱20/kilo na bigas na programa ng DA

Mahigit 57K jeepney at tricycle drivers, makikinabang ₱20/kilo na bigas na programa ng DA
Photo courtesy: PNA (FB)

Inaasahang mahigit 57,000 jeepney at tricycle drivers ang makikinabang sa “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” programa ng Department of Agriculture (DA).

Ang paglulunsad ng BBM Na ay pinangunahan ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Martes, Setyembre 16, sa Bureau of Animal and Industry (BAI) sa Brgy. Vasra, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City

Sa panayam kay Laurel, kinokonsidera niyang isa sa mga “backbone” ng bansa ang mga kabilang sa transport section, kung kaya’t naniniwala siyang dapat itong maging prayoridad ng gobyerno. 

“Sila ‘yung isa sa hirap sa society, habang nagkakape pa, sila ay pumapasada na,” aniya. 

National

'Masaganang Pasko!' Lotto ticket na nabili sa Rizal, wagi ng ₱49.1M sa Lotto 6/42!

Ang expansion ng programa sa transport sector ay isinagawa rin sa mga lungsod ng Navotas, Angeles, Cebu, Tagum, at rehiyon ng Davao. 

Sa kasalukuyan, ang programang ito ay umabot na rin sa mga mangingisda, magsasaka, minimum wage earners, at mga miyembro ng mga kinokonsiderang “vulnerable sector” tulad ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)  at Walang Gutom Program. 

Nakipagtulungan ang DA sa mga ahensya ng Department of Transportation (DOTr), at Department of the Interior and Local Government (DILG), at local government units (LGU) upang maisakatuparan ang BBM Na.

Sean Antonio/BALITA