December 13, 2025

Home FEATURES Trending

Lolang mas excited maghanda para birthday ng apo, kinaantigan

Lolang mas excited maghanda para birthday ng apo, kinaantigan
Photo courtesy: catherinebeltran (TikTok screenshot), Unsplash

Naantig ang netizens sa viral social media post tungkol sa isang lola na nagpaplano ng mga ihahandang pagkain para sa paparating ng birthday ng kaniyang apo. 

Sa isang viral TikTok video, sabik na nagtatanong at nagkukwento ang lola sa kaniyang apo ng mga gusto niyang handa para sa ika-24 na kaarawan nito.

“Fried chicken, ano pa? Wala na? Tsaka spaghetti, kailangan ‘yon eh. Liempo, fried chicken, masarap ‘yong spinach eh. Tama na ‘yon, ano? Tsaka tipid,” mga tanong ng 87-anyos na lola sa kaniyang apo. 

Kung kaya’t sa pagbabahagi ng kanilang usapan online, isang madamdaming caption ang nilagay ni Catherine, ang may-ari ng video. 

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

“I thought birthdays get less exciting as we grow older, but for my Lola, she’s the one [who’s] most excited for mine, already planning everything. Lord, bless me with success so I can give back to her,” aniya. 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Catherine, ibinahagi niyang kahit na sa Oktubre 7 pa ang kaniyang ika-24 kaarawan, maagang nagtanong si Lola Herminia kung ano ang plano niya para rito. 

Ibinahagi rin niya na ang kaniyang lolo at lola na ang tumayong magulang niya at ng kaniyang mga kapatid simula pagkabata. 

“Grandparents (Lola & Lolo) po ang tumayong mama and papa namin nung nag abroad yung mother namin. Grandparents din namin ang tumayong tatay namin since lumaki kami without father (Broken fam), sila ang dahilan kung bakit nakapag tapos kami ng pag aaral at may magandang trabaho,” aniya. 

Noong kasagsagan din daw ng COVID-19 pandemic, si Catherine ang laging kasama ng kaniyang lola, mula sa pamimili ng grocery hanggang sa buwanang check-up. 

“During pandemic ako lagi kasama ni lola mag grocery and follow up checkup monthly, but since may work na ko, si mama na lagi sumasama sa kanya. We also eat sa jollibee and mang inasal every time na mag go-grocery kami. Laking jollibee kasi ako when i was a kid, lagi ako dinadala doon ng lolo ko,” saad niya. 

Kung kaya nama’y tinitingala ni Catherine ang kaniyang lola at malaki ang pagpapasalamat niya sa mga naging sakripisyo nito para sa kaniya at sa mga kapatid. 

“Si Lola, never ko siyang nakita na naging maluho—uunahin niya lagi kami kaysa sa sarili niya. Hindi siya bumibili ng mga bagay na hindi kailangan kasi para sa kanya mas importante yung future namin. Kaya sobrang swerte namin na siya yung Lola namin, at yung sacrifices at pagmamahal niya,” pagbabahagi niya. 

Sa pagtatapos ng panayam, nag-iwan ng mensahe si Catherine para sa kaniyang lola at maging sa mga anak at apo na kapiling ang kanilang elderly parents at grandparents. 

“Lola, thank you for everything—for your love, sacrifices, and guidance. Kung nasaan man kami ngayon, it’s all because of you and Lolo. Hindi kami magsasawang iparamdam sa’yo how grateful and blessed we are to have you. We love you so much, La,” kaniyang mensahe para sa lolo at lola. 

“Sa mga apo at anak na may elderly parents o grandparents pa—alagaan at pahalagahan niyo sila habang kasama niyo pa. Yung oras at pagmamahal na binibigay nila, walang katumbas. Madadala niyo habang-buhay yung mga simpleng kwento, tawanan, at pagsasalo sa pagkain. Hindi kailangan ng maluhong bagay para mapasaya sila, kasi ang totoo, ang pinakamas mahalaga para sa kanila ay presensya at pagmamahal natin,” para naman sa mga apo at mga anak. 

Ang viral video ay umani ng mahigit 800k engagement sa social media, kung saan, bukod sa suporta, nagawa pa ng ilan na magbahagi ng kuwento tungkol sa kanilang mga lola. 

“Please be excited, yung mga older people mas natutuwa sila pag feel nila may nagagawa pa din sila for us. My mom is getting old so whenever she wants to do something for me, I let her be and I show how excited I am for it.” 

“Would trade the world to exp this again :(“

“And the saddest part is...all of us (who's lolas are in heaven already) are missing this kind of excitement from them. ahckkkkk how I wish my Lola is here now that I can afford to buy her favorite turon from bayan” 

“Napanood ko to sa araw na nawala yung lola ko. Please hug your Lola for me.”

“Oo lola gusto ko rin ung spinach tyaka liempo po.”

“Naalala ko nung birthday ko, grabe iyak ko. birthday blues. but then there’s my lola, saying na magluto pa raw sana siya ng maja kung kaya niya lang mag-luto pa kasi she knows how much i love maja blanca ”

Sean Antonio/BALITA