December 18, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Herlene Budol, kumpirmadong nililigawan ng dating leading man

Herlene Budol, kumpirmadong nililigawan ng dating leading man
Photo Courtesy: Kevin Dasom, Herlene Budol (IG)

Kinumpirma ng hunk actor na si Kevin Dasom na nililigawan niya ang “Binibining Marikit” co-star niyang si Herlene Budol.

Isang Thai-Irish actor si Kevin na nakapagtrabaho na rin sa showbiz industry ng Thailand bago pa man napadpad sa Pilipinas. 

Sa latest episode ng “The Boobay and Tekla Show” kamakailan, sumalang sina Kevin at Herlene sa hot seat at inusisa ang real-score sa pagitan nilang dalawa.

“I have courted Herlene already. Not just to Herlene, but to her parents as well, to her friends, and family, to everyone close to Herlene,” saad ni Kevin.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie Padilla, kinlarong hindi siya ang unang nagloko

Dagdag paniya, “[E]verybody that is important to Herlene in her life kasi Herlene has a few friends and a few important people, but they mean a lot to her.”

Ayon kay Herlene, Enero pa raw nang magsimulang manligaw si Kevin sa kaniya. At ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon siya ng foreigner na manliligaw.

Tila handa na ang puso ng beauty queen-actress para muling umibig. Matatandaang sa isang panayam noong Oktubre 2023 ay sinabi niyang hindi pa raw niya kayang pagsabayin ang lovelife at career.

Maki-Balita: Herlene Budol, ‘di kayang pagsabayin ang love at career