December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cristine Reyes, flinex pics nila ng rumored jowa kasama si Naga City Mayor Leni Robredo

Cristine Reyes, flinex pics nila ng rumored jowa kasama si Naga City Mayor Leni Robredo
Photo courtesy: Cristine Reyes (IG)

Usap-usapan ang pagbida ng aktres na si Cristine Reyes sa mga larawan nila ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo, nang magtungo siya sa lalawigan para gampanan ang pagiging isa sa mga hurado ng "Ms. Bicolandia 2025" beauty pageant.

Makikita ang mga larawan nila ni Mayor Leni sa Instagram post niya noong Lunes, Setyembre 15.

"Marhay na aldaw, Bicolandia! Such an honor to sit as one of the judges at Ms. Bicolandia 2025, a night of beauty, grace, and empowerment," mababasa sa post.

"Special thank you to the honorable and well-loved Mayor of Naga City, Mayor Leni Robredo, for her inspiring leadership and gracious welcome. Gratitude as well to Raffy Magno of Angat Buhay for taking such good care of us."

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Bukod kay Robredo, makikita rin sa mga larawan ang rumored boyfriend ni Cristine na si Gio Tiongson.

Si Tingson ay napaulat na umano'y bagong nagpapasaya sa puso ni Cristine matapos ang breakup nila ng aktor na si Marco Gumabao.

Siya ay strategist ni Sen. Bam Aquino sa nagdaang eleksyon.

KAUGNAY NA BALITA: Hard launch? Gio Tingson, flinex na si Cristine Reyes sa IG

KAUGNAY NA BALITA: Cristine Reyes may lovelife na raw ulit, konektado kay Bam Aquino?

Matatandaang si Cristine ay gumanap na "Imee Marcos" sa pelikulang "Maid in Malacañang" at "Martyr or Murderer" at hayagang nagpakita ng suporta sa UniTeam noong 2022 presidential elections.