January 19, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Thoughtful gift ideas para sa 'workaholic parents'

ALAMIN: Thoughtful gift ideas para sa 'workaholic parents'
Photo courtesy: Unsplash


Mula sa pagsasaayos ng gamit sa eskuwelahan ng mga anak, pagluluto ng baon at kakainin ng pamilya, paglilinis upang mapanatili ang kaayusan sa bahay, maging hanggang sa pagtatrabaho, mistulang ang pagiging magulang ay walang katapusang responsibilidad.

Ngayong “Working Parents Day,” dapat na bigyang-diin at pasalamatan ang kanilang dedikasyon, sakripisyo, at walang tigil na serbisyo sa kanilang pamilya.

Narito ang ilang thoughtful gift ideas para sa mga ‘workaholic parents:’

1. Pagpapahalaga sa kanilang ginagawa

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap ng pagiging magulang, dagdag mo pa na sila ay nagtatrabaho upang punan ang pangangailangan ng kanilang pamilya araw-araw, at inaasikaso pa nila ang mga ito kapag sila ay nasa bahay.

Kahayupan (Pets)

#BalitaExclusives: Joseph Marco, hinangaan dahil sa pagpapakain ng stray cat



Ang mga simpleng pagpapahalaga sa kanilang ginagawa tulad ng pagpapasalamat, pagtulong sa gawaing bahay, o simpleng pagsasabi sa kanila na nakikita mo ang kanilang efforts ay tiyak makapagpapasaya sa kanila.

Sa paraang ito, mabigat man ang kanilang mga gampanin araw-araw, kahit papaano ay gumagaan ito dahil sa natatanggap nilang komendasyon.

2. Libreng oras para mag-unwind

Isa ang libreng oras para mag-unwind sa mga magagandang regalo na maaari mong ibigay sa mga kilala mong ‘workaholic parents,’ lalo na mismo sa iyong mga magulang.

Makatutulong ito upang maibalanse nila ang kanilang mga prayoridad, at hindi nauubos ang kanilang oras na magserbisyo sa ibang tao.

Kailangan din ng mga working parents ang “break” upang maiwasan nila ang banta ng exhaustion at burnout, sapagkat ang katawan nila ay hindi robot, at tiyak na sila ay may limitasyon.

3. Financial support

Alam ng lahat na kaya walang tigil na nagtatrabaho ang mga magulang, ay dahil kailangan nito tustusan hindi lang ang sarili nitong pangangailangan, kung hindi ang pangangailangan at kagustuhan din ng kaniyang buong pamilya.

Kung kaya’t ang pagbibigay ng karagdagang budget sa kanila ay tiyak na malaking kabawasan sa kanilang mga gastusin at kailangang bayaran.

4. Paboritong bagay o gamit

Sa mga nabanggit na thoughtful gift ideas, ito ang pinaka-obvious. Bilang anak o asawa, siguradong may ideya ka kung ano ba ang gustong gamit o bagay ng iyong working parents.

Kung ninanais mo na sila ay pasiyahin ngayong “Working Parents Day,” puwede mong iregalo sa kanila ang paborito nilang damit, sapatos, o kaya naman relo at alahas.

Kung gusto mong maramdaman din ng ibang miyembro ng pamilya ang benepisyo, maaari mong regaluhan ang workaholic mong mama at papa ng bagong appliances, kitchenware, o puwede ring furniture.

Maraming paraan upang ipakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong “working parents,” hindi lamang tuwing Working Parents Day, kung hindi araw-araw, dahil ang kanilang serbisyo sa kanilang pamilya ay walang humpay din.

Vincent Gutierrez/BALITA