December 19, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Bakit dapat gunitain ang Int'l Identity Day?

ALAMIN: Bakit dapat gunitain ang Int'l Identity Day?
Photo courtesy: Unsplash


Simula pa lamang nang isilang ang isang sanggol, nakakabit na sa kaniya ang mga karapatang dapat matamasa habang siya ay nabubuhay, kasama na ang pagkakaroon ng pangalan. Sa pagkakaroon ng pangalan, ang isang sanggol ay nabibigyan ng “identity,” na dapat niyang pangalagaan at protektahan.

Sa paggunita ng “International Identity Day” ngayong Martes, Setyembre 16, bigyang-pansin ang mahahalagang dahilan sa likod ng pagdiriwang na ito.

Kaalaman na ang “Identity” ay isang Karapatan

Ang paggunita sa araw na ito ay isang hakbang tungo sa pagkakaroon ng sapat na pagkakaunawa na ang pagkakakilanlan ay hindi isang pribilehiyo, bagkus ay isang karapatan.

Mahalagang ipagdiwang ang International Identity Day upang mabigyang-importansya ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan, sapagkat milyon-milyong mga tao sa iba’t ibang kontinente, lalo na sa Africa, ang may isyu pagdating sa pagkakaroon ng legal identity.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?



Ayon sa mga ulat, 850 milyong tao sa mundo ang walang legal na pagkakakilanlan, kung kaya’t dapat maunawaan na ito ay proteksyunan at alagaan.

Makatutulong ang pagkakakilanlan upang magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral, makapagtrabaho, at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ito rin ay daan upang magkaroon ng access sa iba’t ibang tulong na galing sa sektor ng kalusugan, edukasyon, at seguridad.

Koneksyon sa Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN)

Ang petsang Setyembre 16, ay konektado sa UN SDG 16.9, na naglalayong bigyan ng legal na pagkakakilanlan ang lahat ng tao sa mundo, kasama na ang birth registration, sa taong 2030. Binibigyang-diin din nito ang adhikain ng UN na matampok at mapakinabangan ng bawat indibidwal sa mundo ang pagkakaroon ng identity rights.

Pagkakaunawa sa ideya ng Inclusion, Protection, at Empowerment

Ang International Identity Day ay may tatlong key pillars: Inclusion, Protection, Empowerment.

Mahalagang maramdaman ng bawat tao, lalo na ang mga indibidwal na wala pang legal idenity, na sila ay included, o hindi invisible sa komunidad. Sila ay nararapat na makaranas ng sapat na proteksyon at seguridad dahil isa ito sa kanilang mga karapatan.

Ang lahat ng tao, may legal identity man o wala, ay dapat na protektado ng batas at ng estado. Mahalaga na magkaroon ng pagkakakilanlan ang isang indibidwal upang madali siyang makatanggap ng sapat na tulong mula sa kinauukulan.

Kung mayroon man, karapatan nilang mapangalagaan ang kanilang sarili at maproteksyunan sila laban sa mga nais gamitin ang kanilang pagkakakilanlan sa hindi tamang gawain.

Sa mga wala pang legal identity, karapatan nila na magkaroon na nito upang sila ay makaiwas na sa inequality at diskriminasyon sa komunidad.

Importante ding ma-empower ang bawat indibidwal sa tulong ng kaalaman nito sa pagkakaroon ng legal na pagkakakilanlan. Ang pagkakaroon nito ay isang hakbang upang masabi na ang isang tao ay may kakayahang makibahagi sa paglaro ng komunidad.

Ngayong International Identity Day, unawain ang iyong pagkakakilanlan at ipagdiwang ang iyong mga karapatan bilang isang progresibong parte ng komunidad.

Vincent Gutierrez/BALITA