Nasakote na ng pulisya ang isang aircon technician sa Rizal matapos patawan ng 13 kaso ng child abuse, ayon sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO).
Sa operasyong pinasinayaan ng Jala-Jala Municipal Police Station, naaresto si alyas JAY R, 41 taong gulang, residente ng Brgy. Sipsipin, Jala-Jala, Rizal noong Lunes, Setyembre 15, dakong 8:30 ng umaga, na kinilala rin bilang Rank No. 1 Provincial Most Wanted Person ng Rizal.
Timbog si alyas JAY R sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 13 kasong paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”
Ang reklamong kinahaharap ng suspek ay may inirerekomendang ₱200,000 piyansa kada kaso.
Pansamantalang nakapiit ang naarestong suspek sa Jala-Jala custodial facility habang isinasaayos ang mga dokumento para sa iba pang legal na proseso.
Vincent Gutierrez/BALITA