December 14, 2025

Home BALITA National

2 LPA, magdudulot ng pag-ulan sa Luzon, Visayas

2 LPA, magdudulot ng pag-ulan sa Luzon, Visayas
PAGASA

Dalawang low pressure area (LPA) ang kasalukuyang nakakaapekto sa bansa, ayon sa PAGASA ngayong Martes, Setyembre 16.

Ang dalawang LPA ay matatagpuan sa kanluran ng Coron, Palawan at silangan ng Juban, Sorsogon.

Ayon sa PAGASA, wala na nang tsansa na maging bagyo ang LPA sa Palawan, at posibleng lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility bukas.

Habang ang LPA sa Sorsogon, na namuo kanina lamang alas dos ng madaling araw, ay maliit ang tsansa na maging bagyo sa susunod na 24 na oras.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Kaugnay nito, magdadala ng pag-ulan ang dalawang LPA sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas. 

BALITANG PANAHON NGAYONG ARAW

Inaasahan ang malaking tsansa ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Southern Luzon, partikular sa Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, maging sa Metro Manila at Central Luzon dulot ng mga LPA. 

Uulanin din ang Cagayan Valley Region dahil sa easterlies o hanging nagmumula sa Pacific Ocean.

Samantala, bagama't maliit ang tsansa ng tuloy-tuloy na pag-ulan, asahan ang isolated rainshowers at thunderstorms sa bandang hapon hanggang sa gabi sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR). 

Magdadala naman ng pag-ulan sa Northern at Western Mindanao ang southwest monsoon o habagat.