December 12, 2025

Home BALITA National

Taga-Sorsogon, jumackpot sa lotto ng 49.5 milyon!

Taga-Sorsogon, jumackpot sa lotto ng <b>₱</b>49.5 milyon!
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Napagwagian ng isang lone bettor mula sa Sorsogon ang P49.5 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 05-17-18-02-45-57 ng UltraLotto 6/58 na may katumbas na premyong P49,500,000.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky bettor ang kaniyang lucky ticket sa winning outlet ng Lucky Circle Corporation, SM City Sorsogon, Maharlika Highway, Balogo, sa Sorsogon.

Kaugnay nito, upang makubra ang kaniyang premyo, pinayuhan ng PCSO ang lucky winner na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% na buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Samantala, ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing sa Martes, Biyernes at Linggo. 

Inirerekomendang balita