December 13, 2025

Home BALITA

'Parang AI?' Soda truck, nilamon ng sinkhole!

'Parang AI?' Soda truck, nilamon ng sinkhole!
Photo courtesy: BBC News


Pinutakti ng komento mula sa netizens ang pagkakahulog ng isang soda delivery truck sa Mexico City kamakailan.

Bahagi ng ilang netizen, inakala umano nila na ang insidente ay isang AI-generated video. Komento nila:

"parang AI lang"

"I thought it was AI."

"Akala ko Ai na naman to"

"Bkt mukhang ai"

"Kala ko AI"

"parang edited ehj"

"CHATGPT news jk totoo pala"

Ayon sa mga ulat, ang insidente ay totoo at ang nakikitang dahilan umano nito ay ang “collapsed drainage system” ng siyudad. Sinasabi ring nakaapekto ang bigat ng karga ng soda truck, kung kaya’t nahulog ito sa sinkhole.

Bahagi naman ng ilan, hindi na raw sila nagulat sa pagkakaroon ng sinkhole sa lugar sapagkat ang Mexico City raw ay itinayo sa ibabaw ng mga “ancient lakes.”

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Matatandaang kamakailan din ay usap-usapan sa social media ang isang nasusunog na truck, na siyang nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at volunteers, na napag-alamang AI-generated lang pala.

MAKI-BALITA: BFP at volunteers, rumesponde sa isang nasusunog na truck; AI generated lang pala!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA