Inihain ni Ilocos 1st district Rep. Alexander "Sandro" Marcos ang panukalang batas na ipagbawal ang mga kaanak ng politiko hanggang 4th degree na pasukin ang anumang kontrata sa gobyerno.
Ayon sa nasabing panukala na House Bill No. 3661, lahat umano ng "public officials" na may kaanak na kukuha ng kontrata o kasunduang proyekto sa gobyerno ay dapat nang idiskwalipika.
"Notwithstanding any provision of law to the contrary, all relatives of public officials within the fourth civil degree of consanguinity or affinity shall be barred from entering into any government contact," saad ng House Bill No. 3661.
Kaugnay nito, binigyang-linaw rin nito kung sino-sinong "public officials" ang sakop ng nasabing panukalang batas.
"The term "public official" shall refer to heads of agency, heads of procuring entity, members of governing board, or any public officer or employee exercising policy-determining, supervisory, or managerial functions, whether in the career or non-career service, including military and uniformed personnel, whether or not they receive compensation, regardless of amount," saad ng House Bill No. 3661.
Tinukoy din nito kung ano-anong mga kontrata ng proyekto sa gobyerno ang hindi maaaring pasukin ng sinomang kaanak ng mga public officials, kabilang ang:
-supplies, materials, machinery at services
-infrastructure projects
-joint ventures
-public-private partnership projects
-other similar or analogous agreements.
Ayon pa sa naturang panukalang batas, kinakailangan umanong maipatupad ito ng iba't ibang ahensya sa loob ng 60 araw matapos itong maisabatas. Habang magiging epektibo naman ang House Bill No. 3661 sa loob ng 15 araw matapos itong maipasa bilang batas.