December 13, 2025

Home BALITA

Mayor o ICI Adviser? Magalong, kailangang pumili—Gatchalian

Mayor o ICI Adviser? Magalong, kailangang pumili—Gatchalian
Photo Courtesy: Win Gatchalian, Benjamin Magalong (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Senador Win Gatchalian sa pagkakatalaga kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Adviser and Investigator sa binuong Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Setyembre 15, sinabi ni Gatchalian na kailangan umanong mamili ni Magalong sa pagitan ng pagigng alkalde at miyembro ng komisyong nakatakdang magsiyasayat sa anomalya ng flood control projects.

Aniya, “I was mayor before. A mayor’s job is not only full-time, but double-time or triple-time. You really need to focus on your city. Because the city evolves every single hour, every single minute. We have a problem every single minute.” 

“So, I think, he needs to decide whether he wants to be the mayor, or he want to pursue this ICI role. But it’s going to be very complicate to have dual role because both roles are very important. And it deserves full-time attention,” dugtong pa ni Gatchalian.

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Samantala, mananatili pa ring alkalde ng Baguio si Magalong sang-ayon sa pahayag na inilabas niya nito ring Lunes matapos pabulaanan ang lumutang na bali-balitang magbibitiw umano siya sa naturang posisyon.

Maki-Balita: Magalong, pinabulaanang nagbitiw siya bilang Baguio City mayor