December 13, 2025

Home BALITA

Marcoleta, kokomprontahin si Remulla matapos ligwakin bilang ‘state witness’ mga Discaya

Marcoleta, kokomprontahin si Remulla matapos ligwakin bilang ‘state witness’ mga Discaya
Photo courtesy: Senate of the Philippines, Manila Bulletin

Nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Rodante Marcoleta sa naging desisyon umano ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla hinggil sa pagbibigay ng Witness Protection Program sa mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Setyembre 15, 2025, iginiit ni Marcoleta nakausap niya pa raw noon si Remulla hinggil sa pagbibigay niya ng provisional immunity sa mga kontraktor na magbibigay ng mga impormasyon.

“Tahasan  niyang sinabi sa akin, 'puwede 'yan!' Alam n’yo naman si Secretary Boying Remulla, matalik kong kaibigan 'yan, matagal kaming nagsama sa House of Representatives,” ani Marcoleta.

Dagdag pa niya, “So pinanghawakan ko yung kaniyang sinabi sa akin, 'Alam mo naman ang Senado'y kabatakan natin 'yan. Lalong lalo na, isinusulong natin yung Whistleblowers Act. Sige, panindigan natin 'yan.’ So matibay po aking paniwala, malakas ang aking loob kaya sumulat nga ako,  at inirekomenda ko nga na mapasailalim, 'tong mag-asawang Discaya sa Witness Protection Program.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang kamakailan lang nang ihayag ni Remulla na kailangan umanong isaulo muna ng mga Discaya ang mga perang nakulimbat nila mula sa mga proyekto ng flood control, bilang kontraktor nito.

“Unang-una hindi ko pa sila nakakausap diba, pero ang first principle gagamitin natin dito eh kung meron silang nakukuhang pera hindi dapat, isauli nila sa republika. Yun naman ang first condition,” saad ni Remulla. 

Sa hiwalay na pahayag din, iginiit ni Remulla na hindi raw niya nakikitang “forthcoming” ang paggagawad sa mga Discaya na maging state witness sila.

“Given what we know there should be restitution. Kaya sinabi ko kay Senate President (Vicente Sotto III), kung ako, ayoko na ibigay yung status (as state witness), kasi hindi forthcoming,” ani Remulla.

Samantala, bunsod nito, iginiit naman ni Marcoleta na nakatakda raw niyang komprontahin ang kalihim hinggil sa naturang mga pahayag.

“Alam po ninyo sa tamang pagkakataon, I will confront the Secretary of Justice kung bakit b'ta sinabi 'yon?” anang senador.