December 12, 2025

Home BALITA National

Manibela, magkakaroon ng 3 araw na transport strike kontra korupsyon

Manibela, magkakaroon ng 3 araw na transport strike kontra korupsyon
Photo courtesy: MANIBELA (FB)

Nagkaroon ng anunsyo ang transport group na Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o Manibela na magsasagawa umano sila ng tigil-pasada bilang aksyon laban sa maanomalyang mga proyekto sa flood-control. 

Ayon sa mga ulat, magsisimula ang nationwide na transportation strike ng kanilang grupo mula sa darating na Miyerkules, Setyembre 17 hanggang sa Biyernes, Setyembre 19, 2025. 

Magsisilbi umano nila itong kilos-protesta laban sa mga katiwaliang ugnay sa flood-control projects.

Ayon sa grupo ng Manibela, binigyang-diin ng nila ang hinaing na pagkasayang ng mga excise tax mula sa diesel na binabayaran nila umano araw-araw sa pamamasada para maipandagdag sa pondo ng flood-control projects ngunit napupunta lang umano ang kanilang sakripisyo sa marangyang pamumuhay ng ilang mga opisyal at kaanak nito. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Excise tax ng diesel, napupunta lang pala sa luho ng mga anak ng pulitiko! Hindi na tama na kami ang nagpapalamon at pumopondo sa karangyaan nila, na samantalang ang mga masang tsuper ay halos magdamag na kung bumiyahe kumita lang nang sapat para sa kanilang pamilya,” ayon sa Manibela. 

Matatandaang una nang nag-anunsyo ang bukod na transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o Piston sa kanilang gagawing transport-strike noon ding Linggo, Setyembre 14. 

KAUGNAY NA BALITA: PISTON, magkakasa ng transport strike kontra korapsyon

Kung saan layunin umano nilang makiisa sa pangangalampag laban sa korapsyon na nauugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa ₱12,000 ang binabayarang buwanang buwis ng mga tsuper kaya't oras na raw upang makiisa sila sa pangangalampag sa gobyerno hinggil sa paglulustay ng kaban ng bayan.

Nakatakdang magsimula ang tigil-pasada ng Piston sa darating na Huwebes, Setyembre 18, 2025. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita