December 14, 2025

Home BALITA

Magalong, pinabulaanang nagbitiw siya bilang Baguio City mayor

Magalong, pinabulaanang nagbitiw siya bilang Baguio City mayor
Photo Courtesy: Benjamin Magalong (FB)

Naglabas ng pahayag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa kumakalat na bali-balitang nagbitiw na umano siya bilang alkalde ng lungsod.

Ito ay matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang Special Adviser and Investigator sa binuong Independent Commission na magsisiyasat sa anomalya ng flood control projects.

Sa latest Facebook post ni Magalong nitong Lunes, Setyembre 15, sinabi niyang peke umano ang nasabing balita.

“I have not resigned. I remain your duly elected Mayor, fully committed to serving our city,” saad ni Magalong.

National

Higit 70k kapulisan, ipapadala ng PNP para sa ligtas na Simbang Gabi 2025

Ayon sa kaniya, mananatili ang tungkulin niya bilang alklade at prayoridad pa rin niya ang mga mamamayan ng Baguio sa kabila ng karagdagang posisyong ibinigay sa kaniya ng Pangulo.

“While I have been appointed as Special Adviser and Investigator for the Independent Commission for Infrastructure to help look into alleged anomalies in flood control projects, this will not affect my mandate as Mayor. My foremost duty and priority remain with the people of Baguio,” anang alkalde.