December 13, 2025

Home BALITA

Magalong matapos pagdudahan ni Trillanes: ‘Intindihin na lang natin'

Magalong matapos pagdudahan ni Trillanes: ‘Intindihin na lang natin'
Photo Courtesy: Benjamin Magalong (FB), via MB

Nagbigay na ng tugon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa mga tirada ni dating Senador Antonio Trillanes laban sa kaniya.

Sa panayam kay Magalong sa radio program nina DJ Chacha at Ted Failon nitong Lunes, Setyembre 15, sinabi niyang nagtataka siya sa paratang ni Trillanes na kaalyado umano niya ang mga Duterte.

Aniya, “Nagtataka nga ako bakit siya nag-aaccuse ng ganyan, e. Alam mo, siguro mayro’n lang siyang pinagdadaanan kaya intindihin na lang natin siya.” 

Bilang patunay na walang katotohanan ang akusasyon ni Trillanes, inilatag ng alkalde ang kaniyang track record sa pagsasagawa ng independent investigation sa mga nakalipas na administrasyon kabilang na ang kaso ng Mamasapano at ang nawawalang AK-47 rifles. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“I performed the mandate to seek out the truth and to tell the truth. ‘Yon ang ginawa ko. So, ano pang pagdududuhan nila sa ginawa ko?” saad ni Magalong.

Matatandaang kinuwestiyon kamakailan ni Trillanes ang kawalan ng aksiyon ni Magalong sa isyu ng rock-netting scam sa Baguio.

Maki-Balita: Takot o Duterte ally? Trillanes, kinuwestiyon kawalan ng aksyon ni Magalong sa scam sa Baguio

Sinabi rin ng dating senador na aabangan niya ang ipapayo umano ng alkalde matapos nitong italaga bilang Special Adviser and Investigator sa binuong Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nakatakdang mag-imbestiga sa anomalya ng flood control projects.

Maki-Balita: Trillanes, aabangan si Magalong bilang special adviser ng Independent Commission