Malaking balita ang gumulantang sa naging anunsyo ng pagpanaw ng two-time division world champion na si Ricky “The Hitman” Hatton.
Ayon sa report na inilabas ng Britain’s Press Association, inihayag nilang pumanaw na si Hatton noong Linggo, Setyembre 14, 2025 sa edad na 46.
Natagpuan umano ang wala nang buhay na si Hatton sa kaniyang bahay sa Hyde, Northwest England at ayon sa Greater Manchester Police, walang kahina-hinalang sanhi sa pagkamatay ni Hatton.
Ngunit sino nga ba ang binansagang “The Hitman” at two-time division world champion na si Ricky Hatton?
Itinalaga si Hatton bilang isa sa mga boksingerong nasa Boxing Hall of Fame noong 2024 sa kahanga-hangang record niya na 45 na panalo, 3 talo, at 32 knockout sa loob ng 15 taong karera niya bilang professional boxer.
Ang tanging nanalo lamang na mga boksingero kontra kay The Hitman ay walang iba kundi sina Filipino pride Manny “Pacman” Pacquiao noong 2009 at Floyd Mayweather noong 2007, isa sa mga kilala at tanyag na boxer sa mundo.
Noong Nobyembre 2012 ang huling naging laban ni Hatton sa kaniyang karera bilang professional boxer kung saan natalo siya ng panlaban ng Ukraine na si Vyacheslav Senchenko.
Sinasabing ang dalawa sa pinakang hindi malilimutan na laban ni Hatton ay nang makatapat niya sa boxer ring ang mga kapuwa rin niya world champion na sina Kostya Tszyu noong 2005 at José Luis Castillo noong 2007.
Samantala, nagluluksa naman ngayon ang mundo ng world boxing sa paglisan ng nag-iisang “The Hitman” at iba’t ibang tanyag na personalidad sa mundo ang nagpaabot ng pakikiramay sa kaniya sa social media.
Narito ang ilang post nakasama at nakarap ni Ricky Hatton:
Amir Khan, isang British professional boxer at dating at dating unified light-welterweight world champion sa World Boxing Association (WBA).
Aniya, “Today we lost not only one of Britain’s greatest boxers, but a friend, a mentor, a warrior, Ricky Hatton.
“As fighters, we tell ourselves we’re strong — we train, we sweat, we take hits, we get up. But sometimes the hardest fight happens in silence, in the mind. Mental health isn’t weakness. It’s part of being human. And we must talk about it. We must reach out. We must lean on each other.
“Ricky, thank you for everything. For your fights, your moments of glory, your grit. Thank you for pushing us, showing us what’s possible.
“To everyone reading this: if you’re hurting or struggling, you are not alone. Talk. Reach out. Because we need more light, more compassion, more understanding.
“Rest well, Ricky. You’ll always have your place in the ring of our memories.”
Manny Pacquiao, eight-division world champion at Pambansang Kamao ng Pilipinas.
Aniya, “I am deeply saddened to hear about the passing of Ricky Hatton. He was not only a great fighter inside the ring but also a brave and kind man in life. We shared unforgettable moments in boxing history and I will always honor the respect and sportsmanship he showed. Ricky fought.”
Conor McGregor, dating Ultimate Fighting Championship (UFC) Featherweight and Lightweight Champion.
Bukod sa mga nabanggit, marami ring tagasuporta at organisasyon sa mundo ng boxing ang nakiramay sa pagpanaw ni British boxing legend na si Ricky Hatton.
Mc Vincent Mirabuna/Balita