Nagbahagi ng maternity photo shoots ang 2025 America’s Got Talent (AGT) semi-finalist at Filipino-American singer na si Jessica Sanchez.
Ayon sa Facebook post ni Jessica nitong Lunes, Setyembre 15, ibinahagi niya ang mga larawan mula sa kaniyang 9th month maternity photo shoots.
Ayon kay Jessica, “overflowing” ang nararamdaman niya ngayon dahil sa pagmamahal at suporta na kaniyang natatanggap mula mga sa fans.
“Today I officially step into my 9th month of pregnancy. My heart is overflowing with gratitude for all the love and kind words that have been pouring in,” panimula ni Jessica sa caption ng kaniyang nasabing post.
Pagpapatuloy pa niya, “I never imagined I’d be spending these final weeks of pregnancy away from home, in the middle of such an exciting competition.”
Nagawa ring magpasalamat ni Jessica sa Diyos at sinabing hindi niya mararating ang malayong naging karera niya ngayon kung hindi dahil sa plano ng Diyos sa kaniya.
“I truly believe God’s plan is greater than my own. This journey has been so unexpected, yet so beautiful, and I wouldn’t have it any other way,” pagtatapos ni Jessica.
Samantala, nagpaabot naman ng pagbati at suporta ang netizens kay Jessica.
Anila, excited na umano sila sa paglabas ng baby ng singe na si Jessica at sa darating niyang laban sa semi-finals ng AGT.
Narito ang ilang komento na iniwan ng mga ta sa naturang post ni Jessica:
“The only question now is, will you be able to perform in the finals? The entire Philippines is rooting for you my girl. We wish you the best and your baby!”
“Congratulations! Praying for your smooth and easy delivery. I'm sure that your baby is as beautiful and talented like you. God Blessings be with you and your family.”
“God has truly blessed you with this precious gift, and I'm so grateful to have witnessed your journey. You're going to be an amazing mom!”
“God's safekeeping be with you and your loved ones specially as you deliver your baby into world Congrats and God's blessings be with you as you continue your journey.”
“What beautiful pictures and best of luck in the competition.”
“Praying for your safe delivery!!! I've been a fan for a long time from SOCAL, Southern California.....im a grannie!”
“We’re all very eagerly awaiting your ‘soon-to-be baby’ out here in the Phils! Good luck on your journey…God bless you my dear.”
“Good luck Jessica. I'm a fan of your singing prowess.”
Matatandaang ginulat ni Jessica ang kaniyang mga fans at supporters nang tumambad siya bilang contestant sa AGT noong Hulyo 15, 2025.
KAUGNAY NA BALITA: American Idol runner-up Jessica Sanchez, na-golden buzzer sa America's Got Talent
Kung saan, muling pinatunayan ni Jessica ang kaniyang kahusayan sa musika matapos niyang makatanggap ng Golden Buzzer.
Sa kaniyang emosyonal at makapangyarihang pagtatanghal ng kantang “Beautiful Things” ni Benson Boone kasama ang isang live band, napuno ng sigawan at palakpakan ang buong studio.
Bumilib hindi lamang ang mga manonood kundi maging ang mga hurado sa taas at linaw ng kaniyang boses, dahilan upang makatanggap siya ng standing ovation pagkatapos ng kaniyang performance.
Nakapasok naman si Jessica sa next stage na semi-finals ng AGT noong Setyembre 2, 2025.
KAUGNAY NA BALITA: Jessica Sanchez, pasok na sa semi-finals ng ‘America’s Got Talent’
Ipinakita ni Jessica noon sa mga hurado na sina Simon Cowell, Howie Mandel, Mel B, at Sofia Vergara ang kaniyang husay sa pag-awit nang “live” matapos ang kaniyang rendisyon ng awiting “Ordinary” ni Alex Warren.
Samantala, nakatakda namang maganap ang semi-finals ng AGT sa darating na Setyembre 16 at 17 ayon sa National Broadcasting Company (NBC) TV.
Narito ang top 11 na magpapakitang gilas sa semi-finals ng nasabing kompetisyon:
1. Birmingham Youth Fellowship Choir
2. TT Boys
3. Zak Mirz
4. Chris Turner
4. Jessica Sanchez
6. Sirca Marea
7. Jourdan Blue
8. LightWire
9. Bay Melnick Virgolino
10. Leo High School Choir
11. Unreal Crew
Mc Vincent Mirabuna/Balita