December 14, 2025

Home BALITA Metro

Ilang memorabilia ni Jose Rizal, nakatakdang i-auction!

Ilang memorabilia ni Jose Rizal, nakatakdang i-auction!
Photo courtesy: Salcedo Auctions


Nakatakdang i-auction ngayong Setyembre ang isang portrait at isang Ateneo report card, mga memorabilia na may direktang koneksyon kay Gat Jose Rizal.

Ibinahagi ng Salcedo Auctions sa kanilang Facebook post kamakailan na kabilang sa mga nakalinyang i-auction ang dalawang nabanggit na memorabilia na konektado kay Rizal.

“An original fine art drawing by Dr. José Rizal, featured in books and museum exhibitions, accompanied by a personal record of the young Rizal from a direct descendant of Narcisa Rizal-Lopez and Leoncio Lopez-Rizal, comes to light in the September edition of The Well-Appointed Life—offering rare insight into the mind of an icon,” anila.

Ang nasabing portrait ay tinatawag na “Portrait of a European Gentleman,” isang likhang-sining na ginamitan ng “charcoal,” na mismong si Gat Jose Rizal ang gumawa.

Ito raw ay isang paalala ng pagmamahal ni Rizal sa sining, ngunit ito ay kaniyang isinantabi upang pasimulan ang kaniyang serbisyo sa rebolusyon laban sa mga mananakop.

Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!



Ang report card naman na mula sa Ateneo ay ang dating report card ni Rizal, na nakasulat sa wikang Espanyol, kung saan makikitang siya ay nakatanggap ng “second-honor recognition” sa subject na Historia Natural Class, na “Biology” sa modernong panahon.

Ang nasabing report card ay inaasahang papalo sa humigit-kumulang ₱350,000 hanggang ₱400,000.

Ayon pa sa Salcedo Auctions, ang auction kung saan makikita ang dalawang memorabilia ni Rizal ay nakalinya sa September edition ng “The Well-Appointed Life,” kung saan ipakikita nila ang ilang “rare insights” ng mga taong maituturing na icon, tulad ni Rizal.

Ito ay pasisinayaan sa Sabado, Setyembre 27, bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang ika-15 anibersaryo.

Vincent Gutierrez/BALITA