December 13, 2025

Home BALITA

'If I wasn't President, I might be out in the streets with them!'—PBBM sa mga nagra-rally

'If I wasn't President, I might be out in the streets with them!'—PBBM sa mga nagra-rally
Photo courtesy: MANILA BULLETIN file photo

Nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga kabi-kabilang kilos-protestang ikinakasa bunsod ng isyu ng korapsyon sa flood control projects.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Setyembre 15, 2025, iginiit niyang hindi raw maaaring sisihin ang taumbayan sa galit na nararamdaman nito bunsod ng isyu sa malawakang korapsyon.

“Do you blame them for going out into the streets? If I wasn't President, I might be out in the streets with them,” saad ng Pangulo.

Giit pa ng Pangulo, may karapatan daw na magalit ang taumbayan at magpahayag ng kanilang nararamdaman ng mga nangyayari.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

“Of course they are enraged. Of course they are angry. I am angry. We should all be angry. Because what's happening is not right. So, yes, express it. You come, you make your feelings known to these people, and that makes them answerable for the wrong doings that they have done,” ani PBBM. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, iginagalang mga kabi-kabilang kilos-protesta—Palasyo

Samantala, nagpaalala rin si PBBM hinggil sa pagpapanatili raw ng isang mapayapang protesta sa kabila ng pagpapahayag ng mga saloobin at galit ng mga raliyista.

"Palaman [ipaalam] ninyo kung paano nila kayo sinaktan. Kung paano kayo ninakawan. Palaman ninyo, sigawan ninyo, lahat. Gawin ninyo pag-demonstrate. Just keep it peaceful,” anang Pangulo.

Dagdag pa niya, mapipilitan daw mamagitan ang kapulisan kung sakaling mauwi sa gulo ang mga demonstrasyon.

Aniya, “Kasi kapag hindi na peaceful, the police will have to do its duty to maintain peace and order.”

Inirerekomendang balita