Ibinahagi ni Optimum Star Claudine Barretto ag tungkol sa ugnayan nila ngayon ng ina at mga kapatid na babae ng pumanaw na ex-boyfriend na si Rico Yan.
Sa Instagram post ni Claudine noong Linggo, Setyembre 14, ibinahagi niya ang ilang pinagtagni-tagning snippets ng old videos nila ni Rico, sa saliw ng awiting "Sa Susunod na Habang Buhay" ng bandang Ben & Ben.
Dito ay direktang ginamit ni Claudine ang apelyidong "Yan." Aniya, tinanggap na raw siyang tila anak ng ina ni Rico na si Sita Yan, at tila kapatid na rin nina Tina Yan-Gaines at Geraldine Yan Tueres, sisters ni Rico.
"It's not about Rico anymore.its about my luv & relationship with his Mom,who now accepted me as her daughter.so @tinamarieyan @gerryytee & i are now 'REAL SISTERS' i can now say I am not just Claudine Barretto.I am now Claudine Barretto YAN.not a sister in law not a daughter in law but Sita Yan's Daughter."
"i am so blessed bcoz she makes me feel loved every single day.what once was just forgiveness is now a REAL FAMILY. RY u can now rest Hun.we now have each other to take good care of.You can now Fly with youre beautiful dimple faced smile.as i let u go i carry all the luv & beautiful memories with me in my heart till infinity & beyond.Rest now my sweet Prince.i luv u,always have & Forever till eternity & beyond will," aniya pa.
Matatandaang noong Marso 29, 2002, namatay si Rico habang nasa isang resort sa Puerto Princesa, Palawan, na ayon sa mga ulat ng local media ay natagpuang wala ng buhay ang 27-anyos na aktor na pumanaw sanhi raw ng cardiac arrest.
Bagama't naging kontrobersyal ang pagkamatay ni Rico at naapektuhan nito ang relasyon ni Claudine sa partido ng pamilya Yan, makalipas ang panahon, tila nagkapatawaran naman na sila.
Sa katunayan, noong Nobyembre 2024, ibinahagi ni Claudine ang bonding moments nila ng ina ni Rico at iba pang miyembro ng pamilya Yan.
KAUGNAY NA BALITA: Claudine Barretto, reunited sa pamilya ni Rico Yan