Pinutakti ng netizens ang content creator na si Melissa Enriquez matapos umanong murahin si Sen. Kiko Pangilinan gamit ang kaniyang Faceboook account.
Makikita sa isang shared post ni Melissa, na ngayon ay deleted na, na minura niya si Sen. Kiko, kalakip ang balita ng news network na News5.
Mababasa naman sa kaniyang mga Facebook posts ang pamumutakti ng netizens sa kaniyang ginawa.
“Fact checking talaga ang important.”
“SAYING G*GO TO SENATOR IS SUCH A FCKING IDIOT MELISSA !”
“ewan ko sayong t*nga ka”
“Please use your platform wisely”
“hindi ka kasi nagbabasa ng buong content.”
“Ganyan talaga pag ganda lang ang ginagamit hindi isip.”
Ibinahagi naman ng content creator sa kaniya ring Facebook account nitong Lunes, Setyembre 15, ang isang apology letter, kung saan aminado umano siyang hindi niya napag-isipan ang kaniyang ginawa.
“Alam ko po ang naging reaksyon tungkol sa post ko kay Sen. Kiko, at gusto ko pong humingi ng taos-pusong paumanhin. Aminado ako na hindi ko po napag isipan at naging clickbait ang caption ng post ko (na agad kong dinelete within 8minutes), at lumabas na parang minamaliit ko ang panukalang libreng almusal,” aniya.
“Ang nais ko po sanang ipunto sa post ko ay ang kahalagahan din ng trabaho, mas mataas na sweldo, at libreng edukasyon..mga bagay na kulang pa rin para sa maraming pamilya at naging one sided ako,” dagdag pa niya.
Nanghihingi umano siya ng paumanhin sa kaniyang nagawa, at inilahad na may natutunan siya sa nangyari.
“Pasensya na po talaga sa naging pagkukulang ko sa pagpili ng salita at sa maling paghahambing ko,” aniya.
“Natutunan ko po dito na mas maging maingat at mapanuri bago maglabas ng opinyon, lalo na tungkol sa mga isyung panlipunan,” dagdag pa niya.
Ngayong araw din ay nag-upload si Melissa ng isang video post, na kung saan sinasabi niyang naging insensitive nga siya at nanghihingi ulit ng tawad sa kaniyang mga nasabi.
Vincent Gutierrez/BALITA