December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Arnel Pineda, inisyuhan ng arrest warrant dahil sa VAWC

Arnel Pineda, inisyuhan ng arrest warrant dahil sa VAWC
Photo courtesy: Arnel Pineda (FB)


Warrant of arrest mula sa isang judge sa Quezon City (QC) ang hinaharap ngayon ng lead singer ng “Journey” na si Arnel Pineda.

Inisyuhan si Pineda ng arrest warrant matapos idemanda ng kaniyang “estranged wife” nang labagin umano nito ang Section 5 of Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC).”

Ayon sa mga ulat, kinasuhan si Pineda ng kaniyang “estranged wife” dahil umano sa infidelity at psychological abuse na ipinararanas nito sa babae.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu noon pang Miyerkules, Setyembre 10, ni Judge Mary Ann Punzalan-Toribio, ng Quezon City Regional Trial Court - Branch 99, na may inirerekomendang ₱72,000 piyansa.

Ayon pa sa mga ulat, nagkaroon ng pagdinig sa QC RTC Branch 99 noong Huwebes, Setyembre 11, ngunit hindi umano nagpakita si Pineda. Kinabukasan, pinuntahan ang mang-aawit sa bahay nito ngunit wala umano ito roon.

Events

Tuesday Vargas, may paalala sa Pasko: Hindi mandatoryo ang pamimigay ng regalo



Dahil sa hindi pagsipot ng frontman ng Journey, inaasahang magpapakita sa susunod na pagdinig si Pineda, sa Miyerkules, Setyembre 17.

Matatandaang pinabulaanan kamakailan ni Pineda ang mga alegasyong siya ay humaharap sa “life imprisonment” sa Estados Unidos, matapos kumalat ang isyu na siya ay nasintensyahan sa isang korte sa San Francisco, California.

Vincent Gutierrez/BALITA