December 13, 2025

Home BALITA

Trillanes, aabangan si Magalong bilang special adviser ng Independent Commission

Trillanes, aabangan si Magalong bilang special adviser ng Independent Commission
Photo Courtesy: Sonny Trillanes, Benjamin Magalong (FB)

Tila nakabantay si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes sa hakbang ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang kasapi ng Independent Commission na nakatakdang magsiyasat sa anomalya ng flood control projects.

Matatandaang kinumpirma na ng Palasyo na si Magalong ang tatayong Special Adviser ng nasabing komisyon. Habang sina dating Department of  Public Works and Highways Sec. Rogelio Singson at Rossana Fajardo naman ang magsisilbing Commissioner. 

Kaya sa latest Facebook post ni Trillanes noong Sabado, Setyembre 13, sinabi niyang aabangan umano niya ang ipapayo ni Magalong sa Independent Commission.

“Aabangan ko si Mayor Magalong kung "i-aadvise" nya sa Independent Commission ang mga pinakamalalaking anomalya sa infra funds gaya ng 51-bilyon flood control sa distrito ni Pulong at 36-bilyon na rock-netting sa Baguio/Benguet na sya mismo ang nagreklamo,” saad ni Trillanes.

Parachute ng skydiver, sumabit sa traffic light; muntik na mabigti!

Nauna nang kuwestiyunin ng dating Senador ang umano’y kawalan ng aksiyon ng alkalde sa rock-netting scam sa Baguio noong Miyerkules, Setyembre 10.

Maki-Balita: Takot o Duterte ally? Trillanes, kinuwestiyon kawalan ng aksyon ni Magalong sa scam sa Baguio