Humingi ng kapayapaan si Senador Bam Aquino sa kabila ng umano’y pagkakawatak-watak.
Sa latest Facebook post ng senador nitong Linggo, Setyembre 14, ibinahagi niya ang kaniyang panalangin.
“Panginoon, sa gitna ng pagkakawatak-watak, kami’y nananalangin para sa kapayapaan.
Ipagkaloob Mo ang tapang na magmahal, tibay na makinig, at pag-asa na magkaisa bilang iisang sambayanan,” saad ni Aquino.
Dagdag pa niya, “Nawa’y manaig ang kapayapaan, hindi lamang sa aming komunidad kundi sa puso ng bawat isa sa amin.”
Bagama’t walang binanggit na detalye si Aquino kung ano ang pagkakawatak-watak na tinutukoy niya, kasalukuyang lumulutang ang usap-usapan tungkol sa umano’y panibagong rigodon sa Senado.
Inalmahan naman ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang nasabing intriga.
Batay sa kumakalat na post ng Facebook page na "OneTV Philippines,” mababasang naka-secure umano ng sapat na boto si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para mapalitan sa Senate Presidency ang kaluluklok lamang na si Senate President Tito Sotto III, noong Setyembre 8.
Matatandaang pinalitan ni Sotto si Senador Chiz Escudero bilang SP sa kasagsagan ng pangalawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects.
Maki-Balita: 'Peke, intended to deceive and confuse!' 'Another rigodon' sa Senado, pinalagan ni Sen. Lacson