December 15, 2025

Home BALITA National

PNP, ready magbigay ng security assistance sa mga inspeksyon ng DPWH

PNP, ready magbigay ng security assistance sa mga inspeksyon ng DPWH
Photo courtesy: DILG, DPWH (FB)

Magbibigay ng security assistance ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang isinasagawa nito ang mga inspekyon sa mga proyekto sa flood control. 

"Sa security side lang kami. Wala kaming alam sa forensic infrastructure pero marami kasing threat sa mga tao, so kasama kami sa mga tumutulong,” saad ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla. 

Ibinahagi rin niya na habang hindi kabilang ang PNP sa mga technical assessment, naniniwala siyang importante ang presensiya nito dahil sa mga umiikot na pagbabanta sa inspeksyon ng mga proyekto. 

“Yes, andoon sila. Round-the-clock kasi delikado talaga buhay nila (DPWH personnel) roon eh," dagdag pa ni Remulla. 

National

'Diretso sa health system!' Sen. JV, umalma sa ₱51.6B pondo para sa MAIFIP

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa layon ng administrayong Marcos na matiyak ang kaligtasan at pananagutan sa mga imprastrakturang proyekto. 

Kung kaya’t nanindigan din ang DILG na makipagtulungan sa DPWH at ilan pang ahensya na may kaugnayan sa inspeksyon ng mga mahahalagang proyekto sa imprastraktura, partikular na sa mga naglalayong mabigyang solusyon ang pagbabaha sa bansa. 

Sean Antonio/BALITA